GoodNews: Stock Market ng Pilipinas Patuloy na Tumataas, Patunay na Kumpyansa ang mga Investor sa Duterte Admin


Loading...



Inamin ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na ang patuloy na paglakas ng stock market ng bansa ay patunay lamang na malakas ang tiwala ng mga investors sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa takbo ng ekonomiya sa bansa.

Ginawa ni Sec. Lopez ang pahayag sa harap ng patuloy na record-high na stock index sa mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Lopez, inaasahan ng mga investors na mas gaganda pa ang ekonomiya ng bansa at naniniwala sila sa economic fundamentals ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Lopez, nakabase ito sa nakikita nilang paglago ng gross domestic product (GDP), manufacturing na mayroong 9.4% growth rate at dumaraming employment na magreresulta ng mas magandang market activity.

Kumbinsido din si Lopez na malaki ang naitulong sa confidence-building ang bagong Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law na makakadagdag sa buwis ng gobyerno na pwedeng gamitin sa mga proyekto.



Advertisement


Nito lamang pagpasok ng taong 2018, pormal na nilagdaan ni Pangulong Duterte Tax Reform For Acceleration And Inclusion o TRAIN.

Sinabi ng Pangulo na makikinabang sa P3.8 trillion na 2018 general appropriation act ang mga pulis at sundalo na mado-doble ang basic pay simula sa Enero.

Malaking bahagi rin aniya ng pondo ang inilaan sa imprastraktura, edukasyon at pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ni Duterte na kayang suportahan ng pinirmahan niyang Tax Reform Package ang 2018 National Budget.

Source:  bomboradyo.com

Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.