Look: 200 E-trike Ibinigay ng Duterte Gov’t sa Marawi City!
Loading...
Sa kabila ng lahat na naging karanasan ng ating mga kababayan sa Marawi City dahil sa ginawang kahayupan ng teroristang Maute-Isis ay patuloy parin sila binibigyan ng tulong mula sa Administrasyong ito. Mula sa mga pabahay, Fishing Boats at ilan pa na naibigay ng pamahalaang ito sa ating mga mahal na kapatid na Muslim sa Marawi City.
Ngayon ay binigyan naman sila ng panibagong donasyon at ito ay ang E-trike. Nasa 200 electric tricycles ang binigay ng Department of Energy (DOE) sa lokal na pamahalaan ng Marawi City. Ang mga tricycle na ito ay aasahang darating ngayon Pebrero o Marso.
Nilagdaan nina DOE Sec. Alfonso Cusi at Task Force Bangon Marawi chairperson Eduardo del Rosario ang memorandum of understanding para rito.
Sabi pa ni Del Rosario, ang pamimigay ng mga e-trike ay alinsunod sa planong gawing environment-friendly ang lungsod.
Ayon naman kay Cusi na maliban sa pagkakaroon ng energy-efficient mode na transportasyon, layunin din ng DOE na mabigyan ng kabuhayan ang mga residente sa lugar.
Panoorin ang Video:
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: