Look: Pangulong Duterte pinangunahan ang Pagbubukas ng Overseas Filipino Bank!
Loading...
January 18, 2017. Isa nanamang pangako ni President Duterte ang nabigyan ng katuparan at ito ay ang pagbubukas ng bangko para sa mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang ceremonial opening ay pinangunahan ni Pangulong Duterte sa Liwasang Bonifacio, Maynila. Ang Overseas Filipino Bank (OFBank) ay ang bangkong tutulong sa mga panganailangan ng mga OFW.
Ito ay isa sa ipinangako ni Pangulong Duterte noong siya pa ay nangangampanya. Ang OFBank ay magbibigay ng mga serbisyong pang pinansyal at remittance na angkop sa mga pangangailangan ng mga OFWs.
Alinsunod ito sa Executive Order 44 ng Pangulo na nilagdaan noong Setyembre noong nakaraang taon na inaprobahan ang pagkuha ng LandBank ng Pilipinas sa Philippine Postal Savings Bank at ang conversion nito sa OFBank.
Sa speech ni Pangulong Duterte sinabi niya na siya daw ay natutuwa dahil naisakatuparan niya ang simpleng pangako niya sa panahon ng siya pa ay nangangampanya.
“Mga kababayan ko, I made simple promises during the election. I am not into politics but I would just like to remind you that I kept my campaign very simple, with about four basic fundamental promises and I am very happy that mukhang naibigay ko sa inyo,” sabi ni Pangulong Duterte.
Ang OFBank, ay isang wholly owned bank savings subsidiary ng Landbank, at inaasahan na makikinabang ang lahat ng mga Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa pati nadin ang mga immigrants at resident visa holder.
Bukod dito makakakuha din ang mga kababayan nating OFWs ng Unit Investment Trust Funds (UITF) at maari silang mamuhunan sa sa OFBank para maging co-owners sila ng bangko.
Ang OFBank ay maaari ding gamitin ng mga OFW upang bayaran ang mga premium ng Social Security System, Overseas Workers Welfare Administration, PhilHealth, insurance premium, credit card, bill ng tubig, pautang sa pabahay at negosyo, at iba pa.
Pagdating naman sa remittance service, ito ay magaalok ng pinakamababa, mabilis, convenient at secure na mobile credit-to-account system.
Dagdag pa ng Pangulo na proprotektahan ang mga OFW at dadaluhan ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin.
Bilang patunay dito, binanggit ng Pangulo ang isang naunang pulong sa Malago Clubhouse kasama ang Kalihim ng Transportasyon na si Arthur Tugade at ang mga opisyal ng paliparan tungkol sa insidente ng pagnanakaw sa Clark International Airport.
Nakipagkita ng personal si Pangulong Duterte sa OFW na nabiktima upang personal na humingi ng paumanhin sa nangyari at nagbigay ng katiyakan na hindi na muli itong mangyayari.
“Ngayon, kanina tinawag ko sila. Sinabi ko sa manager, ‘yan dalawa, in front of Tugade, I said, ‘a similar and one more incident and all of you will go. Look for another job. Be sure na walang zipper mabukas diyan’,” sabi ng Pangulo.
Sa meeting na yun umattend din si Isidro Lapeña Customs Commissioner, National Bureau of Investigation Director Dante Gierran at ang mga opisyales ng Clark International Airport at Ninoy Aquino International Airport.
Nagging concern din ng Pangulo ang kondisyon ng mga OFW sa Kuwait.
“We have lost about four Filipino women in the last few months. It’s always in Kuwait,” sabi nito.
At ayon kay Pangulong Duterte tinalakay na niya daw ang isyung ito kay secretary Alan Peter Cayetano na pinayuhan ng huli na makipag-usap sa pamahalaan ng Kuwait.
“So usap kami ni Alan, it’s either --- my advise is, we talk to them, state the truth and just tell them that it’s not acceptable anymore. Either we impose a total ban or you can have the correction,” sabi nito.
“I do not want a quarrel with Kuwait. I respect their leaders, but they have to do something about this,” dagdag pa nito.
Kaya sa mga trolls na nagsasabing walang ginagawa ang pangulo o ito isa nanamang sampal para sa inyo ito.
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: