Mag-ina walang pamasahe, nalaglag, pinalipat ng bus ng galit na kundoktor


Loading...


Trending sa social media ang isang Facebook post ng isang netizen ukol sa mag-ina na nakalugmok sa kalsada makarang nalaglag umano mula sa sinasakyang pampasaherong bus sa may Makati City.




Advertisement


Ina-upload ng netizen na si Dave Villanueva ang kanyang cell phone video footage sa kanyang account nitong Sabado ng gabi na nagpapakita sa isang ginang na hindi makabangon sa kanyang pagkakalugmok sa kalsada dahil sa tinamong pinsala habang karga-karga naman ng isang nagmagandang-loob na lalaki ang kanyang anak na babae.

May caption ang FB post na: “Grabe yung mag-ina, nalaglag sa bus bandang Ayala. Pinalipat daw ng kundoktor kasi walang pambayad. Buti na lang safe yung baby, pero yung nanay niya, lagapak ang mukha sa semento.”

Makikita sa video ang konduktor ng bus na tila galit at hinahampas ang gilid ng sinasakyan niyang Mayamy Trans at biglang tumakbo nang may isang lalaki ang magtangkang lumapit sa kanya.

Umani na ito ng higit sa 11,000 emoticons ang video, higit sa 3,700 na komento at higit 42,000 shares.

Marami sa mga komento ng netizen ay kumukondena sa inasal ng konduktor at driver ng bus na dapat ay pinagbigyan na umano ang mag-ina, habang may mangilan-ngilan na nagsabi na kung walang pamasahe ay dapat magpaalam muna sa konduktor.

Marami rin ang nanawagan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na imbestigahan ang insidente at tanggalan ng prangkisa ang bus company maging ang tsuper nito ay dapat tanggalan ng lisensya at makulong sa ginawa nila.

PANOORIN:


Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.