Alejano Nagbigay ng Pahayag tungkol sa Senate Hearing "Mga navy officials, tinuruan ng Malacanang sa sasabihin sa senate investigation!"


Loading...



Ayon kay Magdalo PL Rep. Gary Alejano, tinuruang mabuti ng Malacanang ang mga opisyal ng Philippine Navy bago ito isinabak sa Senado tungkol sa Frigate deal investigation.

Ayon raw sa nakalap na impormasyon ni Alejano, ilang beses diumanong ipinatawag ng Malacanang ang mga Navy officials upang turuan at linisin ang pangalan ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Ipanaalala naman ni Alejano na dapat ay bigyang laya ang mga Navy officials upang makapagsalita ng malaya at sabihin ang totoo.

Nagbabala naman ito na huwag hintaying maglabas ng sama loob ang mga Navy officials sa publiko.

Ayon pa kay Alejano, ibang klaseng protesta ang kayang gawin ng mga Navy officials.

Sa magkahiwalay na interview, idiniin naman ni senador Antonio Trillanes IV si Bong Go na nakialam sa Frigate Deal.


Advertisement


Binanggit ni Trillanes na nagpameeting ang Malacanang noong January 20, 2017 kasama ang ilang opisyal ng Philippine Navy.

Sinabi rin ni Trillanes na simula ng ibigay ni Go ang white paper kay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagsimula na ang pagpabor ng Navy officials sa Tacticos Thales.

Ngunit pagkatapos ng iprinisintang presentation ni Trillanes ay agad namang nilinaw ni Committee Chairman Senator Gringo Honasan na walang matibay na ebidensya na nagpapatunay na nakialam si Bong Go sa Frigate Deal.


Source:  rmn.ph

Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.