BREAKING NEWS: CPP NPA Founder Joma Sison Nagbanta kay Pangulong Duterte "Kaya namin pumatay ng 510 sundalo ka buwan!"


Loading...



Matatandaang inaresto nito lamang nakaraang araw ang isa sa consultant ng National Democratic Front (NDF) at kasalukuyang  nakakulong ngayon sa Camp Crame.

Dinakip si NDFP Consultant Rafael Baylosis ng mga tauhan ng CIDG-NCR sa Katipunan Road, Quezon City.

Dahil sa nangyaring pagaresto kay Baylosis, hinimok ni NDF founding chairman Jose Maria Sison ang mga miyembro ng New People's Army na magsagawa ng mas marami pang pagatake sa Pilipinas.

Sinabi ni Sison na sa ganitong paraan ay mapipilitang pumayag ang gobyerno upang ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.

Iginiit pa ni Sison na kapag hindi ipinagpatuloy ang peace talk ay kayang kaya ng NPA na pumatay ng isang sundalo kada araw sa labimpitong rehiyon sa bansa.

Ibinida pa nito na sumatutal ay aabot ng limang daan at sampung sundalo ang kaya nilang patayin kada buwan.

Sinabihan din ni Sison ang rebeldeng grupo na igalang parin ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na usaping pangkapayapaan sa NPA kaya wala nang saysay ang JASIG.

Nito lamang nakaraang araw ay lumabas sa balita ang naganap na pamumugot ng ulo ng NPA sa isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Active Auxiliary (CAA) sa San Miguel, Surigao del Sur.

Ang bangkay ng biktima na natagpuan ay si Mar Acebedo Bocales, isang dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.


Advertisement


Ang bangkay ng biktima na isang katutubo  ay nakitaan ng palatandaan na tinorture muna bago pinaslang saka pinugutan ng ulo ng NPA.

Patuloy naman ang hot pursuit operations ng mga opisyal upang mapanagot sa batas ang mga teroristang NPA at mabigyan hustisya ang nangyari kay Bocales.

Nananawagan rin ang opisyal sa taumbayan na magkaisa sa paglaban kontra terorismo at karahasan ng nasabing rebelde.


Source:  radyo.inquirer.net

Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.