"Medal of honor ni Dela Rosa, insulto daw sa mga biktima ng war on drugs"-HRW


Loading...



Mariing kinondena  ng international rights group ang ipinagkaloob  na medal of honor ng Indonesian National Police (INP) kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. 

Nitong Pebrero 14, ipinagkalooban si Dela Rosa ng Bintang Bhayangkara Utama o Medal of Honour at pinakamataas na pagkilala  ng  INP dahil sa naging ambag ng PNP Chief sa Indonesian police.



Ayon sa ulat ng Brigada, sinabi ni Human rights Watch Asia Deputy Director Phelim Kine, na ang pagkakaloob ng pagkilalang ito kay Dela Rosa ay isang pagtapak sa rule of law.


Advertisement


Naniniwala si Kine, ang pagtanggap ng parangal ni Dela Rosa ay insulto para sa mga biktima ng drug war campaign. 

Dagdag pa nito, si Dela Rosa mismo ang pumipigil sa pagpapanagot sa mga nasa likod sa pagpatay sa war on drugs dahil ibinabasura nito ang mga kahilingan na hiwalay na imbestigasyon sa mga kaso. 

Binatikos din ni Kine si Indonesia National Police chief Gen. Tito Karnavian dahil sa pagpuri sa PNP Chief sa pagiging “rock star- inspiration” sa pagsugpo nito sa iligal na droga. 

Nanawagan din ang HRW kay Indonesian President Joko Widodo na makiisa sa panawagan ng United Nations na imbestigahan ang madugong war on drugs sa halip na parangalan ang isa sa mga proponents nito.
Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.