Pangulong Duterte Inutusan ang DOJ at PAO na huwag ihinto ang imbestigasyon sa biktima ng Dengvaxia "Mangot ang Dapat Managot!"
Loading...
Matapos makapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice, Public Attorney’s Office at ang Volunteers Against Crime and Corruptioninatasan na ipagpatuloy at lalo pang paigitingin ang imbestigasyon sa mga sinasabing biktima ng anti-dengue vaccine o Dengvaxia.
Sa isang interview VACC Founding Chairman Dante Jimenez, sinabi nito na iniutos ng Pangulo kay Justice Secretary Vitallano Aguirre at PAO Chief Persida Acosta na ituloy ang ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa mga hinihinalang mga namatay na bata dahil sa Dengvaxia.
Sinabi rin ng Pangulo na kung gusto ng mga magulang na ipa-autopsy ang kanilang mga anak upang malaman ang sanhi ng pagkamatay at dapat lang na hindi ito tanggihan ng DOJ at ng PAO.
Dapat aniyang ibigay ng DOJ at ng PAO ang lahat ng kanilang maibibigay na tulong sa mga biktima.
Lumabas sa balita na balak ipatigil sa PAO ng ilang doktor ang ang imbestigasyon at pag-autopsy sa bangkay ng mga bata dahil dengvaxia vaccine.
Nagmatigas naman si Acosta at sinabing ang mga magulang ng mga bata ang lumapoit sakanila para sa imbestigahan ang pagkamatay ng kanilang mga anak.
Sinabi ni Acosta na nagsasagawa lamang sila ng mga forensic examination sa katawan ng mga bata sa kahilingan ng mga magulang.
Pinatatahimik naman ni Acosta ang mga doktor na kumukwestyun sa pagsasagawa ng autopsy ng kanilang hanay sa mga biktima ng Dengvaxia vaccine.
Ipinagbigay din ni Acosta na hindi na dapat nakikisawsaw ang mga doktor lalo na kung naging iskolar sila ng kumpanyang Sanofi pasteuer na gumawa ng Dengvaxia vaccine.
Ani Acosta, mas tiyak na may kaalaman at sapat na karanasan ang mga forensic expert ng PAO at kumpleto sa eksaminasyon gaya ng clinical record.
Pinalalabas lamang aniya ng mga doktor na may pinagtatakpan sila sa kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine dahil nga may ugnayan ang mga ito sa kumpanya ng Sanofi.
Dumipensa naman si PAO forensic laboratory director Dr. Erwin Erfe sa panawagan ni dating Dept. of Health (DOH) Sec. Esperanza Cabral sa PAO na itigil na ang autopsy at forensic investigation sa mga bangkay ng mga hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia.
Dahil sa mga kritikong natanggap ng PAO, naglabas ng saloobin si Dr. Erfe tungkol sa nasabing isyu.
“We will resist the massive cover-up and efforts by some to smear, twist, or downplay the findings of the PAO Forensic Team.
“You can destroy my name, my credibility and those of the volunteer physicians in the Team but no one can erase the evidence we saw in the bodies of these children and fully documented. The evidence will be released after the filing of cases by the victims’ families.
“God, Truth and Children’s Welfare will guide us.”
Source: rmn.ph
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: