Just IN: Duterte ipinasibak at pinakakasuhan ang ERC Board dahil sa P200 Billion overprice ng Meralco!!!
Loading...
Kumuha ang Meralco ng PSA para sa pitong coal-fired power plants sa iba’t ibang panig ng bansa.Kabilang sa mga kompanyang ito ay ang Redondo Peninsula Energy Incorporated, Atimonan One Energy Incorporated, Central Luzon Premiere Power Corporation, St. Raphael Power Generation Corporation, Global Luzon Energy Development Corporation, Mariveles Power Generation Corporation at Panay Energy Development Corporation.
Kung matatandaan, taong 2015 nang iutos ni dating Energy Secretary Jericho Petilla sa lahat ng distributions utilities na sumailalim sa CSP sa pagkuha ng PSA upang matiyak ang seguridad at katiyakan ng presyo ng elektrisidad.
Ngunit dahil ni-reset ng ERC commissioners ang effectivity date ng CSP sa buwan ng Abril 2016 ay nabigyan umano ang Meralco ng go signal na makakuha ng kanilang energy requirement mula sa pitong coal-powered plants, na makakapag-supply ng kabuuang 3,551 megawatts.
Sa depensa naman ng ERC commissioners, iginiit nitong ang pag-antala ng implementasyon ng CSP ay hindi para paboran umano ang sinumang kompanya kundi pagturing ito bilang ‘in the exercise of their sound judgment.’
Ngunit sa resolusyon ng Ombudsman, nakasaad na walang basehan ang binigay na rason ng ERC.Ito ang nilalaman ng ipinalabas na resolusyon ng Office of the Ombudsman noong Disyembre 11 kasabay ng kautusan para sa isang taong suspensiyon laban kina ERC Commissioners Alfredo J. Non, Gloria Victoria C. Yap-Taruc, Josefina Patricia M. Asirit, at Geronimo D. Sta. Ana, gayundin ang pagsasampa ng kasong graft sa mga ito.
Sa loob ng 20 taon, pinaboran ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na mangolekta ng P200 bilyon mula sa mga konsumer sa pamamagitan ng pag-exempt sa competitive selection process (CSP) para sa power supply agreements (PSAs).
Kasama rin si dating ERC chairman Jose Vicente Salazar sa pinatawan ng parusa ngunit una na nang inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak dito. Tanging ang chair ng ERC na si Agnes Devanadera ang hindi kasama sa ipinataw na suspensiyon.
Nag-ugat ang suspension order at ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ERC commissioners bilang tugon ng Ombudsman sa reklamong isinampa ng non-government organization na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong nakaraang taon.
Inakusahan ng grupo ang mga opisyal ng ERC na pinaboran ang Meralco, ang kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan sa pamamagitan ng pag-reset ng CSP effectivity date mula Abril 30, 2016 hanggang Nobyembre 30, 2016 upang sa gayon ay mai-exempt ang PSA mula sa ginagawang public bidding.
Lumitaw na noong Abril lamang ng nakaraang taon nag-apply o kumuha ang Meralco ng PSA para sa pitong coal-fired power plants sa iba’t ibang panig ng bansa. Kabilang sa mga kompanyang ito ay ang Redondo Peninsula Energy Incorporated, Atimonan One Energy Incorporated, Central Luzon Premiere Power Corporation, St. Raphael Power Generation Corporation, Global Luzon Energy Development Corporation, Mariveles Power Generation Corporation at Panay Energy Development Corporation.
Kung matatandaan, taong 2015 nang iutos ni dating Energy Secretary Jericho Petilla sa lahat ng distributions utilities na sumailalim sa CSP sa pagkuha ng PSA upang matiyak ang seguridad at katiyakan ng presyo ng elektrisidad.
Ngunit dahil ni-reset ng ERC commissioners ang effectivity date ng CSP sa buwan ng Abril 2016 ay nabigyan umano ang Meralco ng go signal na makakuha ng kanilang energy requirement mula sa pitong coal-powered plants, na makakapag-supply ng kabuuang 3,551 megawatts.
Sa depensa naman ng ERC commissioners, iginiit nitong ang pag-antala ng implementasyon ng CSP ay hindi para paboran umano ang sinumang kompanya kundi pagturing ito bilang ‘in the exercise of their sound judgment.’ Ngunit sa resolusyon ng Ombudsman, nakasaad na walang basehan ang binigay na rason ng ERC.
Source: powerofduterte.com
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: