Just IN: Duterte gov't, kumita ng P45.398 bilyon noong Marso 2018! Customs, Lumagpas sa Target!


Loading...



Umabot na sa mahigit kumulang P45.398 Bilyon ang kinita ng pamahalaan sa pakikipag-ugnayan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa mga nakolekta nitong ‘kita’ o revenue para sa dumaang buwan ng Marso.

Ayon sa inisyal na ulat ng BOC Financial Services, lumagpas ng P265 Milyon ang nakolekta ng Ahensya mula sa inaasahang P45.133 Bilyon.

Mas mataas naman ito ng 19.1% kumpara sa naging koleksyon noong Marso nakaraang taon na hanggang P38.11 Bilyon.

Samantala, nasa P43.67 Bilyon naman ang koleksiyon ng ahensiya noong Pebrero na lumagpas naman sa inasahang mahigit P 2 Bilyon at P85.63 Bilyon naman noong Enero nitong taon.

 



Advertisement


Nauna nang naipahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na ang pagpapatupad ng TRAIN LAW o nang Tax Reform for Acceleration and Inclusion ang nag-bigay daan para mas mapa-igting ng Customs ang tungkulin nito.

Kasabay nito ay magbibigay din ng benepisyo para sa Nationwide Infrastructure Project na pinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung tawagin ay ‘BUILD, BUILD, BUILD’.

 



Kabilang dito ang mga pangunahing proyekto na nagkaka-halaga lamang ng mahigit-kumulang na P1.8 Trilyon na kasalukuyang isinasagawa katulad ng Metro Manila Flood Management Project at ang matagal nang hinahangad na Mega Manila Subway.

Source:  BOC

Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.