Asec. Mocha Uson may inamin sa Publiko na nakakagulat tungkol sa kanyang Negative SALN "Wala po akong pera at may utang pa!"
Loading...

Ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth, na mas kilala bilang SALN, ay isang taunang dokumento na kung saan lahat ng mga manggagawang gobyerno sa Pilipinas, regular man o hindi ay dapat kumpletuhin at magsumite ng pagpapatunay sa ilalim ng panunumpa sa kanilang kabuuang mga asset at pananagutan, kabilang ang mga negosyo at pinansyal na interes, na bumubuo sa kanilang net worth.
Sinasabing ang SALN ay ginagamit upang matukoy kung ang mga opisyal ng pamahalaan ay may di-maipaliwanag na kayamanan, yaman na hindi maaaring maiugnay sa kanilang sahod, pamumuhunan, mga regalo, mana, o iba pang mga legal na pinagkukunan at sa gayon ay maaaring nagmula sa mga suhol, "kickbacks", "grease money" o iba pang uri ng korapsyon.
Kahapon, Mayo 25, 2018, ibinalita ng GMA News ang SALN ng lahat ng cabinet secretaries and members ni Pangulong Duterte.
Dalawa diumano dito ang bilyonaryo at nagdeklara ng bilyong pisong kabuuang yaman at ang iba at halos lahat ay nagdeklara ng mahigit isang milyong pisong net worth maliban kay PCOO Assistant Secretary Esther Margaux Uson na mas kilala bilang Mocha Uson na nagtala ng negative 553,000 pesos na net worth.
Isang balita na nakarating kay Asec. Mocha kaya naman kanyang ibinahagi sa kanyang netizen followers and friends ang saloobin ukol dito.
Sa kanyang Facebook post ngayong araw, Ms. Uson shared the news of GMA at sinabing natawa siya sa balita at medyo nahihiya dahil lumabas ang katotohanan sa kanyang net worth, na kahit nahiihiya man daw siyang aminin at ibigay ito ay kanyang ipinasa sapagkat requirement ng batas.
Sa nasabing post, ipinaliwanag ni Uson sa mga taong hindi naniniwala kung bakit negatibo ang kanyang SALN. Dito ikinuwento ni Asec. Mocha ang kanyang nakaraan at pagkawala ng konting ari-arian dahil sa inang nagkasakit.
Sa huli, sinabi ni Uson na isa sa dahilan kung bakit wala siyang planong tumakbo sa 2019 election ay dahil wala siyang pera at may utang pa. Ngunit ganon pa man ay masaya pa din siya sa kanyang trabaho sa PCOO, na sa ngayon ay kanyang source of income.
Basahin ang kanyang buong pahayag:
"Natawa naman po ako dito sa balita na ito. Hehehe mejo nahiya ako kasi may utang pa ako. Seriously speaking may mga bumabatikos bakit daw mababa o may utang pa ako. Hindi daw makatotohanan. Una sa lahat naintindihan ko po sila dahil hindi sila sanay na transparent ang gobyerno ngayon.
Sa totoo lang po ilang beses na ako ini-FOI patungkol sa SALN ko at ngayon lang lumabas ito. Nahihiya man ako ibigay ngunit dahil ito ay requirement kaya atin po ito pinasa. At kaya naman po ako may utang dahil kung maalala niyo ako po ay entertainer lang naman noon. Hindi naman po kalakihan ang aking sweldo noon at hindi rin po ako nakaipon dahil ako po ang nagpapagamot sa aking inang may c*ncer noon. Maging konti naming ari arian ay nabenta para sa pagpapagamot ng c*ncer ng aking ina.
Sigurado po ako alam po yan ng mga may kapamilyang may c*ncer. Magastos po ang pagpapagamot. At noong panahon na may c*ncer ang aking ina hindi pa po doctor ang aking kapatid noon at nag aaral pa po siya at ang isa ko pang kapatid. Tinutulungan din po natin sila kaya nalang hindi ako nakaipon. Yan din po rason kung bakit po tayo napasok sa pagpapasexy. Ngayon nga po ay may utang po akong condo unit na tirahan ng aking ina dahil mula sa Pangasinan akin po siyang nilipat dito sa Manila upang mas maalagaan po namin siya
Yan po ang dahilan kung bakit negative po ang aking net worth. Unti unti ko po ito binabayaran. Wala po akong ibang source of income kung hindi ito po. Kung matatandaan niyo po kumakanta pa po ako sa Mocha Girls noon dahil yun dapat pang tulong ko sa pambayad ng mga utang ko ngunit dahil nga sa batikos ng ilan ako po ay natigil ako sa pag perform.
Sa totoo lang ito po talaga ang isa sa dahilan bakit wala akong planong tumakbo sa 2019 election. WALA AKONG PERA at may utang pa
Ayaw ko naman din po umasa sa mga financier dahil ayaw ko magbayad utang kung sakaling palarin. Masaya na po ako sa trabaho ko sa PCOO. Hindi po ako ambisyosa dahil isa lamang ang aking paniniwala- Lahat ng pera, kapangyarihan, o titulo mawawala yan pag ikaw ay nam*tay. Isa lamang ang mahalaga at yan ay ang sabihin sa iyo ng Panginoon ang katagang - WELL DONE, MY GOOD AND FAITHFUL SERVANT"

Source: Facebook, GMA News
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: