Breaking! ANOMALYA sa PhilHealth, Paiimbestigahan ni P.DU30!
Loading...

Maliban sa tahasang mga pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang adhikain na tapusin ang problema sa droga sa bansa bago pa man sya manungkulan bilang isang Presidente, noon pa man ay sinasabi na nya na walang puwang ang korapsyon sa kanyang pamumuno.
Hindi nga ba't ilang matataas na opisyal na ang kanyang pinatalsik sa puwesto, na ang ilan ay kilala pa bilang malapit sa kanya, na ang tinuturong dahilan ay korapsyon? Ngayon, isa sa mga pinaiimbestigahan ng Pangulo ay ang mga anumalyang nagaganap umano sa departamento ng Philippine Health Insurance Corporation, mula sa ulat ng GMA News.
Ipinag-utos umano ni Pangulong Duterte ang imbestigasyon ukol sa sinasabing "unjust termination of casual employees" ng PhilHealth, gayun'din ang mga higit sa normal na biyahe ng Interim President nito na si Celestina Ma. Jude dela Serna.
Matatandaang naging maugong ang balita ukol sa pagkuwestiyon ng Commission on Audit sa umano'y sobra-sobrang paggasta ni Dela Cerna sa kanyang mga biyahe mula Bohol papuntang Maynila, na umano'y umabot sa halagang P627,293.04.
Ayon pa sa COA, nilabag daw ni Dela Cerna ang mga gabay sa "Austerity Measures Implementation" na nagbabawal sa madalas at labis na local travels, maliban na lamang kung ito'y "urgent" at talagang kinakakailangan upang lalong maging epektibo sa kasalukuyang work assignments.
Bukod pa rito, inaakusahan din umano si Dela Cerna nang ilegal na pagapapatalsik sa may 17 casual employees, at pagbawas ng halagang P2,200 mula sa 2017 collective negotiation agreement incentive ng rank-and-file na mga empleyado ng PhilHealth.
Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batid nya umano na iimbestigahan din ni Pangulong Duterte ang nasabing isyu dahil prayoridad umano ng Pangulo na makapagkaloob ng "universal health care" para sa lahat. Hindi raw ito magkakaroon ng katuparan kung hindi malilinis ang hanay ng nasabing ahensiya.
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: