MUST READ: Jean Garcia on Death Penalty: “Kung Ayaw Mong Mabitay, Tumino Ka!”
Loading...
Ayon sa ulat ng pep.ph pabor ang aktres na si Jean Garcia sa panukalang-batas na ibalik ang death penalty sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Jean kung bakit ganito ang opinyon niya.
Saad niya, “Honestly, yeah, yes!
“A, depende, ayoko masyado… pero ibig kong sabihin, yung grabe talaga na mga… iyon, sa drugs, killer…
“Kasi ako, ang feeling ko kasi, kailangan na talaga ng disiplina, kailangan ng takot ng tao, kailangan marunong tayong matakot.
“Kasi hindi naman tayo ano, maski mga bata ngayon, alam ang tama at mali, di ba?
“Para magkaroon ng disiplina, mas maging safe ang country natin, di ba?
“Mas makakalakad na tayo sa kalye nang hindi tayo natatakot.
“Di ba, pag nasa Japan ka, lakad ka lang. Taipei, ganun rin.
“Kahit mag-isa ka, lakad ka, punta ka ng 711, punta ka ng ano… very safe, kahit madaling-araw, di ba?
“And we want that for our country, di ba?”
Patuloy ni Jean, “Especially, like ako, nanay ako, meron akong mga anak, gusto ko safe ang mga bata.
“So, ang sa akin, pag gumawa ka ng katarantaduhan, pagdusahan mo.
“Ngayon, kung ayaw mo ng death penalty, ayaw mong mabitay or whatever, tumino ka!
“Gumawa ka ng tama, di ba?”
Ayon pa sa aktres, “So, nasa sa tao yun.
“Hindi naman yung kasi gobyerno or kasi iyon yung opinyon ko, it’s not that, e. It’s you want to have a safe country, di ba?
“Tsaka magkakaroon din yun ng effect din sa bawat isa kung lahat tayo disiplinado.”
Ano naman ang masasabi niya na ang mga krimen lang na may kinalaman sa drugs ang kasama sa death penalty, pero ang rape ay hindi?
Saad ni Jean, “Yun na nga actually, ako, yung rape dapat kasama.
“Kasi, unang-una… sorry ha, hindi ako nagmamarunong, ako opinyon ko lang po ito, maraming hindi mag-a-agree sa akin, wala naman din akong pakialam dahil opinyon ko yun, di ba?
“Hindi ko naman sinabing maging opinyon nila, so opinyon ko lang.
“Kasi, bakit ba may mga rape victims, bakit ba may mga nangre-rape?
“Drugs din, di ba? O, di pareho. E, di bitayin na rin ‘yang mga ‘yan! Di ba?
“Yun lang naman yung sa akin, opinyon ko lang po ‘yan.”
Source: Pep.ph
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
ung mga ayaw sa death penalty, sila ung gumagawa ng kahayupan at kasamaan kaya tutol sila.
ReplyDelete