Oposisyon, Supalpal kay Roque 'You're Doomed! Desperado dahil ginawang Rallying Figure si Sereno!'
Loading...
Matinding butata ang inabot ng mga taga-oposisyon sa bagong banat ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon kay Roque, isang pagkakamali nang piliin ng oposisyon na 'rallying figure' si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno laban sa Duterte Government. Katapusan din daw ng oposisyon na maituturing ang kanilang hakbang. Isa sa mga pinunto ni Roque ay mababang approval rating ni Sereno.
"Isang pagkakamali po ito dahil kung maniniwala po tayo sa lahat ng surveys, hindi po pinagkakatiwalaan si Chief Justice, at napakababa po ng approval rating ni Chief Justice... So kung iyan na po ang magiging rallying figure ng opposition, you’re doomed," banat ni Roque.
Isa pa sa mga binanat ni Roque ay ang pakikitungo umano ni Sereno sa kapwa niya mahistrado sa Korte Suprema.
"Mukhang may problema naman talaga si Chief Justice sa pakikitungo sa mga kasama niya sa Korte Suprema. Ang problema sa Pilipinas, ‘yung samahan ng isang institusyon. Pero dito kay Chief Justice, siguro dahil sa problema sa mga kasama niya, parang sila lang ang nagsama-sama laban sa kanya," sabi pa ni Roque.
Dagdag pa ni Roque, walang ibang dapat sisihin si Sereno sa pagkakatanggal niya bilang Punong Mahistrado kundi ang sarili niya.
Source: Inquirer | Archive
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: