ITO NA! TULFO, BINANATAN SI MIKE ENRIQUEZ NG GMA7 "HAHAMBALUSIN KITA! MAY SUMBONG LABAN SA IYO!"
Sapul na sapul si GMA7 newscaster Mike Enriquez sa resbak ng beteranong mamamahayag na si Ben Tulfo.
Sa isang Facebook video, binanatan ni Tulfo ang tila pangungutya ni Enriquez sa kontrobersiyang kinahaharap ng PTV4 at Department of Tourism (DoT) Secretary Wanda Tulfo-Teo sa Commission on Audit (CoA).
Hindi nagustuhan ni Tulfo ang pagtawag ni Enriquez sa DoT na Department of 'Tulfo'.
Binanatan din ni Tulfo ang paraan ni Enriquez sa pag-aadvertise ng mga produkto sa programa nito.
Nagpahapyaw din si Tulfo tungkol sa mga sumbong na natatanggap niya laban kay Enriquez.
Kamakailan lang ay pumutok ang isyu tungkol sa paglalaan umano ng DoT ng P60 million ads sa PTV4, partikular sa programa umano ni Tulfo na 'Kilos Pronto'.
Naglabas na si Tulfo ng paglilinaw sa isyu. Ayon kay Tulfo, ang P60 million deal ay sa pagitan lamang ng PTV4 at DoT, at walang kinalaman ang media outfit niyang Bitag media unlimited inc.
Basahin ang naging reaksyon at tugon ng mga tao sa patutsada ni Tulfo laban kay Enriquez.
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: