Kilalang Political Analyst binanatan si Robredo: "Ang latang walang laman, ang alam lang ay mag-ingay"
Kasunod ng pagkakalarawan sa kanya bilang INCOMPETENT ni Pangulong Rodrigo Duterte, agad namang bumwelta si Vice President Leni Robredo sa pahayag nito matapos ang patutsada ng Legal Adviser ng Office of the Vice President na si Atty. Barry Gutierrez na aniya’y ‘nagsalita ang magaling,’
Tila kompiyansa si Robredo na may rumeresbak sa kanya kung kaya’t hindi ito nakapag-pigil mag – REACT sa nasambit ng Pangulo. Ayon sa kanya at sa kalihim nito, minabuti pa di-umano sana ng Pangulo na tugonan ang suliranin sa ekonomiya kaysa insultuhin siya o ang Panginoon.
"Ayoko na sana i-dignify pero siguro sabihin ko na lang na imbes na insultuhin ako o ang Diyos, asikasuhin na lang muna ang mga problema ng ating ekonomiya," ayon kay Robredo na tumutukoy kay Pangulong Duterte.
Bagay na hindi rin pinalampas ng online Political Blogger at kilalang pro – Duterte advocate na si Sass Rogando Sasot.
Ayon sa kanya, sana’y maayos nalang na nakikipag – tulungan si Robredo sa Pangulo kung ang totoong layunin nito ay para sa ikabubuti ng bansa. Aniya, kung talagang COMPETENT ito, taglay na sana niya ang totoong solusyon sa problema ng ekonomiya at inflation kaysa kutya-in ang kakahayan ng Pangulo na minana lang naman ang suliraning ito.
Narito ang detalye ng post ni Sass Rogando Sasot sa kanyang Facebook page na For the Motherland na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Netizen:
“The VP of the Philippine should be helping the President. Itong si Leni kung competent siya, hwag puro putak! Kung may TOTOONG solusyon ka sa inflation at pagtaas ng USD sabihin mo. Pero ang sabi nga, ang latang walang laman, ang alam lang ay mag - ingay. That's why Leni Robredo is INCOMPETENT. She doesn't know the role of the VP at all. Ang palagay niya eh ang role ng VP eh 'to disrupt'Tangina. Saan ka nakakita ng bansang iyan ang ginagawa ng VP”
Samantala, pinagkaguluhan din ng marami ang isang video ni VP Leni kung saang nakikitang kinikwenta nito ang presyo ng bigas sa isa nitong pahayag ukol sa ‘inflation’ at pagtaas ng mga bilihin.
Ayon sa kanyang sinabi, "Di ba 40, 40 a week na kaagad? Sa isang buwan yung 40x4 (40 multiply by 4) di 1,600 bigas palang yun! Eh yung ibang mga nagtaasan ng bilihin..?" banggit ni VP Leni gamit ang simpleng arithmetic.
INCOMPETENT NGA - Tila hindi na alintala sa mata ng nakararami ang kanyang pilit idiin na halimbawa sa mga pagkukulang ng administrasyong Duterte. Ngunit ang tanong naman ng marami, papaano naman naging 1,600 ang 40x4? Ayon kay Sass, marahil si VP Leni nga daw ang dahilan kung bakit nagkaroon pa ng inflation. Paano nga naman daw mabibigyan ng solusyon ang problema ng bayan kung simpleng solusyon palang sa mathematics ay sablay agad.
Source: Sass Rogando Sasot / Facebook
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: