Saturday, April 12 2025

Former child actor CJ Ramos arrested in drug buy-bust operation




Nahuli ng pulisya ang dating child star na si CJ Ramos sa buy-bust operation na isinagawa sa isang convenience store sa Tandang Sora, Quezon City, noong Martes ng gabi, July 31.

Huli sa akto na bumibili ng shabu si CJ.

Ayon sa exclusive report ng Aksyon ng TV5 kagabi, kasama ring nahuli ni CJ ang binilhan nito ng shabu.

Ang pusher ang nagsabi sa mga awtoridad na dating artista ang kanyang katransaksiyon.

Inamin naman ni CJ na gumagamit siya ng ilegal na droga.

Aniya, "Mga three days ago [ako huling gumamit]. Ten years ago [ako nagsimulang mag-drugs].


Advertisement


"Pero nag-stop ako, mga two... almost three years. Ngayon na lang ulit kasi na-miss ko, e."

Nagpositibo si CJ sa drug test.

Aminado rin ang dating child actor na drugs ang sumira ng kanyang showbiz career.

Sabi pa niya, "Kailangan kong pagdusahan ito, kasi ginusto ko ito, e.

"Wala, e, addictive talaga, e, mahirap iwasan.

"Pero naiwasan naman. Natsambahan lang."

Na-inquest na si CJ kahapon sa kasong illegal possession of dangerous drugs.

Kung malulusutan daw niya ito ay gusto na niyang magbagong buhay.

Sabi ni CJ, "Planong magbagong buhay after this. Sana."

Si CJ ay naging bahagi ng dating youth-oriented show ng ABS-CBN na AngTV.

Kabilang naman sa mga ginawa niyang pelikula ay Tumbasan Mo Ng Buhay (1993), Ang TV The Movie: The Adarna Adventure (1996), at Tanging Yaman (2000).

Source: Pep.ph

Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.