Nabuking Na! ang IT Consultant ni CJ Sereno sumasahod ng mahigit P250,000 kada buwan! Alamin
Loading...
Ayon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Justice Committee na mas mataas pa ang sahod ng kinuhang IT consultant ng tanggapan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa mga mahistrado ng Korte Suprema at court administrator.
Kinumpirma ng mga opisyal ng SC na sumasahod ng P250,000 kada buwan ang IT consultant na si Helen Macasaet.
Samantalang P233,000 naman ang sahod ni Sereno at iba pang associate justices ng SC at kay court administrator Midas Marquez.
Lumabas din sa pagdinig na si Macasaet ay natanggap nang hindi dumaan sa tamang proseso ng pag-hire ng empleyado sa Korte Suprema.
Sa utos ng tanggapan ni CJ Sereno ay pinadaan sa alternative mode ng pagkuha ng empleyado si Macasaet dahil sa technical position ito.
Samantala, panibagong isyu ang kinakaharap ngayon ni Sereno na ang binili nitong Toyota land Cruiser ay lumabag sa Procurement Law.
Ayon sa pinuno ng Procurement and Assistant Chief Admin Services ng Supreme Court bago pa lamang ang bidding para sa pagbili ng sasakyan ni Sereno ay Toyota Land Cruiser na ang gusto nito.
Sinabi rin na predetermined na ang biniling P5.2M na sasakyan dahil ito ang request ni Sereno.
Bago ang pagbili ng Land Cruiser ay Suburban na sasakyan ang gusto ni Sereno pero hindi ito nabili sapagkat lagpas ang presyo nito sa inilaang pondo.
Ayon sa balita, malinaw itong paglabag sa procurement law dahil sa ilalim ng procurement law bawal ilagay ang brand ng bibilhing gamit dahil ang pinapayagan lamang ay isaad ang specifications.
Source: PTV
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: