TATLO PANG BATA NA TINURUKAN NG DENGVAXIA, NAMATAY DAHIL SA SEVERE DENGUE
Loading...
Tatlo (3) pang bata na kapwa tinurukan ng dengvaxia noong isang taon ang namatay bunsod ng dengue shock syndrome at septic shock.
Kinilala ang mga biktima na sina Alexander Jayme, 11-anyos, residente ng Bataan na binawian ng buhay dahil dengue septic shock noong Enero 4, at Rei Jazzline Alimagno, 13-anyos, na namatay naman noong Enero 3 dahil sa dengue shock syndrome na terminal stage ng dengue at nito lang linggo, namatay naman ang 11-anyos na si Zandro Colite.
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, direktor ng Public Attorney’s Office (PAO) – Forensic Laboratory, kapwa nagpakita ang dalawang bata ng mga sintomas ng severe dengue kabilang ang lagnat, pananakit ng ulo, tiyan at pagsusuka.
Lumabas aniya sa kanilang eksaminasyon na nakaranas ng matinding internal bleeding sa utak ang mga biktima kung saan nakaranas din si Jayme ng pagdurugo sa bituka, baga at atay.
Sa ngayon ay limang (5) bangkay na ng mga batang binakunahan ang isinailalim sa eksaminasyon ng pao forensic team at marami pa ang susuriin.
© News Center Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: