Just IN: Joma Sison Prangkang nagsabi na Si Duterte ang Numero 1 Terorista ng Pilipinas





Iginiit ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Ma. Sison na ang numero unong terorista talaga sa Pilipinas ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Sison matapos malaman na kasama sila sa listahan ng gobyerno ng mga terorista sa bansa.

Sa kaniyang pahayag sa website ng National Democratic Front of the Philippines, tinawag ni Sison na “stupid” si Duterte at ang mga “minions” nito na nagpapanggap aniyang mga ignorante sa pagkapanalo niya sa mga legal cases upang maialis ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga terorista ng European Union.


Advertisement


Maliban sa pagiging “number 1 terrorist,” sinabi pa ni Sison na maging ang mga US intelligence agencies ay itinuturing na rin si Duterte bilang banta sa demokrasya at karapatang pantao.

Ang maling akusasyon aniya ni Duterte sa kanila ay bahagi lang ng plano ng Pangulo na “Wild Anti-Communist Witch Hunt,” at pamumuntirya sa mga kritiko upang maisakatuparan ang fascist dictatorship sa pamamagitan ng Martial Law.

Si Sison ay kasama sa 600 kataong hiniling ng Department of Justice sa Manila Regional Trial Court na ideklara bilang mga terorista.

Hiniling din ng doj sa nasabing petisyon na ideklarang terrorist organization ang CPP pati na ang New People’s Army (NPA).


Source: RMN
Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: NEWSCENTERPH
© News Center Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscenterph.info. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.